700 pamilya nawalan ng tahanan sa sunog sa Malabon City

TINATAYANG 700 pamilya ang nawalan ng bahay matapos sumiklab ang sunog sa isang komunidad ng mga informal-settlers sa Malabon City kagabi.

Tinatayang 300 mga bahay ang naabo sa Remedios st., Barangay Maysilo, Malabon City, ayon sa ulat.

Nilamon ng makapal na itim na usok ang isang bahagi ng lugar kung saan gawa sa magagaang materyales ang mga bahay ganap na alas-7 ng gabi.

Umabot agad sa ika-apat na alarma ang sunog ganap na alas-7:42 ng gabi at umabot sa Task Force Alpha ganap na alas-9:13 ng gabi.
Idineklarang kontrolado na ang ganap na alas-9:28 ng gabu at tuluyang naapula ganap na alas-10:38 ng gabi.

The post 700 pamilya nawalan ng tahanan sa sunog sa Malabon City appeared first on Bandera.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *