Aftershock sa Batangas

 
Dalawang malakas na aftershock ang naramdaman sa Batangas ngayong umaga.
    Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang magnitude 4.9 lindol alas-1:51 ng umaga.
    Ang sentro nito ay 17 kilometro sa kanluran ng Nasugbu at may lalim na 161 kilometro.
      Alas-2:02 ng umaga ay naramdaman naman ang magnitude 3.5 lindol. Ang sentro nito ay 21 kilometro sa kanluran ng Nasugbu. At may lalim itong 166 kilometro.
    Noong Biyernes ay niyanig ng magnitude 6.3 lindol ang Nasugbu. Naramdaman ang pagyanig sa malaking bahagi ng Luzon.

The post Aftershock sa Batangas appeared first on Bandera.

Recommended For You

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *