Aktres nagkakalat ng malisyosong balita laban sa kapamilya ng ex-dyowa

HULA hoop: Dahil maselan at sensitibo ang paksa ng aming blind item ay idadaan namin ito sa marahang paraan ng pagkukuwento.

Sentro ng atensiyon ang isang mahusay na aktres na sa halip na makisimpatya sa pinagdaraanan ng pamilya ng kanyang dating karelasyong aktor ay siya pa ang nagkakalat ng tsismis na mapakla na’y ‘di pa makatarungan.

Kamakailan ay dumaan sa pagsubok ang kaanak ng kanyang nakasama sa loob ng maraming taon. Kung tutuusin nga’y parang kamag-anak na rin dapat ang turing niya du’n, kadugo naman kasi ito ng lala-king minsan niyang minahal.

Oo nga’t matagal nang walang kaugnayan ang aktres at ang aktor, pero the least she could do to ease the pain ay isaloob na lang ang umano’y kuwento sa likod na pagsubok na ‘yon but sad to say siya pa ang nagpapakalat ng shocking story about the family.

The post Aktres nagkakalat ng malisyosong balita laban sa kapamilya ng ex-dyowa appeared first on Bandera.

Recommended For You

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *