Babalik pa ba ang ka-live in? (2)

Sulat mula kay Rossana ng St, Francis Village, Bagbag, Lapu-Lapu City,
Problema:
1. May naka-live in partner po ako ng for almost four years na isinilang noong October 8, 1980 ang problema nito lang buwan ng Hunyo bigla na lang po siyang nawala at hindi na nakipagkita sa akin. Ang masakit ni text o call ay hindi man lang siya nagpa-alam, basta bigla na lang siyang nawala.
2. Hanggang sa may nakapagsabi sa akin na may asawa na daw ang ka-live in partner ko at bumalik na raw ito sa orihinal niyang pamilya. Pero parang hindi ko po mataangap, kasi mahal na mahal ko siya at may isa na po kaming anak. Itatanong ko lang po kung babalik pa ba siya at kung hindi na, may darating pa kayang lalaki sa buhay ko na makakasama ko habang buhay kahit may isa na akong anak sa ngayon. July 7, 1991 ang birthday ko.
Umaasa,
Rossana ng Lapu-lapu City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Cancer (Illustration 2.) ang nagsasabing hindi mo ka-compatible ang iyong dating ka-live in partner na bumalik na sa kanyang orihinal na pamilya. Sa halip ang tunay na ka-compatible ng isang Cancer na paparating pa lamang ay isang lalaking nagtataglay ng zodiac sign na Scorpio.
Numerology:
Ang birth date mong 7 ay nagsasabing sa matapos kayong tuluyan ng magkakahiwalay ng kasalukuyan mong ka-live in partner, isang lalaking may birth date na 2, 20 o kaya’y 29 ang lulutang at sa bandang huli, sa taong 2019, sa edad mong 28 pataas, siya na ang pangmatagalan mong makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay na pamilya.
Luscher Color Test:
Upang suwertehin ka sa love life at hindi na uli mahiwalay pa sa lalaking iyong pakikisamahan, magsuot kang lagi ng mapalad mong kulay na berde ang dilaw. Ang nasabing kulay ang hihigop ng suwerte at paborableng kapalaran sa larangan ng pag-ibig at pakikipag-relasyon.
Huling payo at paaala:
Rossana ayon sa iyong kapalaran huwag mo ng habulin pa at guluhin ang dati mong ka-live in partner na bumalik na pala sa kanyang asawa, dahil kahit anong habol ang gawin mo hindi na siya muling magbabalik. Sa halip hintayin mo ang isang lalaking may birth date na 29, sa zodiac sign na Scorpio, na halos kasing edad mo rin, kung saan, kahit may anak ka pang isa sa pagkadalaga, pakakasalan ka niya at siya na rin ang iyong makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay na pamilya na nakatakdang mangyari at maganap sa taong 2019 sa edad mong 28 pataas.

The post Babalik pa ba ang ka-live in? (2) appeared first on Bandera.

Recommended For You

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *