Babalik pa ba ang ka-live in?

Sulat mula kay Rossana ng St, Francis Village, Bagbag, Lapu-Lapu City,
Dear Sir Greenfield,
May naka-live in partner po ako ng for almost four years na isinilang noong October 8, 1980 ang problema nito lang buwan ng Hunyo bigla na lang po siyang nawala at hindi na nakipagkita sa akin. Ang masakit ni text o call ay hindi man lang siya nagpaalam, basta bigla na lang siyang nawala. Hanggang sa may nakapagsabi sa akin na may asawa na daw ang ka-live in partner ko at bumalik na raw ito sa orihinal niyang pamilya. Pero parang hindi ko po mataangap, kasi mahal na mahal ko siya at may isa na po kaming anak. Itatanong ko lang po kung babalik pa ba siya at kung hindi na, may dara-ting pa kayang lalaki sa buhay ko na makakasama ko habang buhay kahit may isa na akong anak sa ngayon. July 7, 1991 ang birthday ko.
Umaasa,
Rossana ng Lapu-lapu City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May dalawang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1 at 2.) na namataan sa iyong palad, isang magulo (arrow 1.) at isang maganda (arrow 2.). Ibig sabihin kung ang dating ka live-in mo ang unang lalaki na i-yong minahal at kinasama at sa ngayon ay bumalik na siya sa dati nyang pamilya, wag kang malungkot dahil siguradong may dara-ting pang ikalawang mas masaya at mas pang matagalang relasyon sa iyong kapalaran.
Cartomancy:
Queen of Clubs, Two of Hearts, Jack of Clubs ang lumabas (Illustration 1.) Ang mga baraha ang nagsasabing ang ikalawang lalaking darating sa iyong buhay ay halos kasing edad mo rin, binata at maaaring sa kanyang paglutang pang-habang buhay na kayong magsasama.
Itutuloy…

The post Babalik pa ba ang ka-live in? appeared first on Bandera.

Recommended For You

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *