Bong susunod nang palalayain, nagbabalut-balot na rin

NAKALABAS na nga sa kulungan ang kaibigan nating si Sen. Jinggoy Estrada matapos magpiyansa ng P1.33 million para sa pansamantala niyang kalayaan.

Naiwan pa si Sen. Bong Revilla sa Camp Crame Custodial Center ngunit umaasa rin ang dating senador at ang kanyang pamilya na susunod na rin siya kay Jinggoy.

Marami siyempre ang natuwa sa temporary na paglaya ni Sen. Jinggoy pero sa ordinaryong tao, may mga nagtaas ng kilay. Paano raw nangyari iyon eh, napakala-king kaso raw ang nasuungan nito.

“He has suffered enough na naman siguro para pagbayaran ang kasalanan niya. Dumaan naman siya sa due process kaya huwag nang kontrahin, ‘no!” sabi ng supporter ng kaibigan nating senador.

Medyo malungkot lang ang lahat dahil hindi pa raw isinabay si Sen. Bong Mas masaya raw sana kung sabay na silang lu-mabas ng selda. Mensahe nga raw ni Jinggoy sa kanyang kaibigan bago umalis n Camr Crame, “Palakasin lang niya ang kanyang kalooban. Balang araw ay makakamit din niya ang kaniyang kalayaan.”

“Kaya wait lang kayo at malapit na rin makalabas si Sen. Bong. Konting panahon na lang,” paniguro ng kausap natin.

Congrats then.

The post Bong susunod nang palalayain, nagbabalut-balot na rin appeared first on Bandera.

Recommended For You

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *