Iza agaw-eksena sa reception ng kasal ni Divine Lee

IZA CALZADO

MAY other side pala itong si Iza Calzado which fans of A Love To Last surely doesn’t know much about.
Ipinakita ni Iza ang kanyang dancing skills during Divine Lee’s wedding to Blake Go.

Isa si Iza sa mga guests ng magdyowa, she being good friends with Divine.

Other guests who were spotted were Vice Ganda, Angel Locsin, Andi Eigenmann, Kaye Abad & Paul Jake Castillo, Korina Sanchez, Lucy Torres-Gomez, Tim Yap, Matteo Guidicelli Ben Chan at marami pang iba.

Napanood namin ang isang short Instagram video which caught Iza dancing at hindi na kami nagtaka na marunong siyang magsayaw. You must remember that her father, Lito Calzado, is a dancer.

Teka, bakit hindi bigyan ng isang bonggang dance number itong si Iza habang sine-seduce niya si Anton (Ian Veneracion) sa A Love To Last?

Bilang Grace, umiinit ang ulo ng televiewers kay Iza. Paano kasi, she’s throwing her weight around kapag nasa eksena siya.

Actually, tama si Andeng (Bea Alonzo). Grace’s OMNIPRESENCE is very intimidating kaya naman she always have to be on her toes.

Ang worry nga ng televiewers ay baka dumating sa point na umalembong si Grace at patulan na ito ni Anton.

The post Iza agaw-eksena sa reception ng kasal ni Divine Lee appeared first on Bandera.

Recommended For You

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *