Jessica muling pinaiyak ang mga Pinoy sa kuwento ng KMJS

NAGPAIYAK na naman ng mga manonood si Jessica Soho sa last episode ng Kapuso Mo Jessica Soho last Sunday nang mahanap ang isang Philip Fariñas na tatlong dekada nang nawawala.

After ng ilang episodes ng KMJS tungkol sa lost boy na may edad na ngayon, reunited si Philip sa kanyang mga kapatid. Doon na nagpatulo ng luha ang segment na ‘yon habang nagyayakapan ang magkakapatid na galing pa sa London ang ilan.

Hindi lang ngayon ginawa ito ng programa ni Jessica. Isa pa sa memorable episodes ng KMJS ay ‘yung batang nawala sa Muñoz na naampon ng mag-asawang Australyano. Doon lumaki ang bata hanggang naisipan niyang hanapin ang tunay na ina sa tulong ng Kapuso Sunday show.

Dahil sa istoryang ‘yon ni Jessica, na-interview siya ng isang programa sa Australia kaugnay ng achievement niyang ‘yon.

The post Jessica muling pinaiyak ang mga Pinoy sa kuwento ng KMJS appeared first on Bandera.

Recommended For You

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *