Magkapatid wanted sa pagpatay sa bf ng kanilang 70-anyos na nanay sa Iloilo

PINAGHAHANAP na ng mga pulis ang magkapatid na lalaki na siya umanong pumatay sa boyfriend ng kanilang 70-anyos na nanay sa Barangay Pagdugi, Dumangas, Iloilo.
Salitan umanong pinagsasaksak ng magkapatid na sina Rey Leylam at Silverio, ang biktimang si Marvin Ceballo, 54, isang construction worker, habang papunta sa bahay ni Elsa Leylam, ang nanay ng mga suspek.
“When Ceballo was on the way to the house of Elsa (Leylam) he was approached by Rey and Silverio and stabbed him several times and hit him with a hammer,” sabi ni Chief Insp. Rene Obrego, Dumangas police chief.
Tutol umano ang magkapatid sa relasyon nina Ceballo at kanilang nanay dahil sa laki ng kanilang agwat.
“They (suspects) were angry because their mother continued communicating with Ceballo,” dagdag ni Obrego.
Nagtamo si Ceballo ng walong saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan at mga sugat na dulot ng isang martilyo.

The post Magkapatid wanted sa pagpatay sa bf ng kanilang 70-anyos na nanay sa Iloilo appeared first on Bandera.

Recommended For You

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *