Maymay super idol si Liza: Humble kahit big star na siya!

MAYMAY ENTRATA AT LIZA SOBERANO

Abot-langit pala ang pag-idolo ni PBB Lucky Season 7 Big Winner Maymay Entrata sa bagong Darna na si Liza Soberano.

Puring-puri ng dalaga ang kababaang-loob ni Liza at ang pagiging down to earth nito sa kabila ng kanyang kasikatan.

Naikuwento ni Maymay sa isang panayam ng ABS-CBN kung gaano siya pahalagahan ni Liza. Talagang personal pa raw siya nitong pinuntahan sa kanyang dressing room para lang kumustahin. Sinabihan pa raw siya nito ng “goodluck” para sa launching movie nila ni Edward Barber na “Loving In Tandem” kung saan kasama rin nila sina Kisses Delavin at Marco Gallo. Showing na ito ngayon sa mga sinehan.

“Sabi niya proud siya sa amin. Nagpasalamat ako sa tulong niya, sa mga payo niya sa pag-arte dahil kami po ay baguhan. Sinabi ko sa kanya na hindi ako titigil sa pagiging supporter sa kanilang dalawa ni Sir (Enrique Gil) dahil sila ‘yung isa sa mga inspirasyon ko kung bakit ako nandito. Kung kaya nila, kaya rin namin,” pahayag ni Maymay.

Sey pa ng dalaga, malaki ang naitulong sa kanya ng acting tips na ibinahagi sa kanila noon nina Liza at Enrique sa loob ng PBB house, “Hindi ko makakalimutan ‘yung sinabi niya sa akin na hangga’t wala pa ‘yung emosyon, huwag na huwag ka magsisimula.

“Nagamit ko po iyon. Talagang nag-take time ako na pumasok sa karakter ko at kunin yung tamang emosyon bago ako magsimula. Sobrang effective po siya,” ani Maymay.

Role model ang turing niya kay Liza at gusto niyang tularan ang mga magagandang qualities ng rumored girlfriend ni Enrique.

“Alam ko na kung bakit siya big star—dahil ganito siya. Pinakamalaking rason ay kung sino siya. Tinutulungan niya yung mga baguhan. Hindi siya yung taong hindi namamansin kasi big star na siya. Hindi siya ganu’n.”

The post Maymay super idol si Liza: Humble kahit big star na siya! appeared first on Bandera.

Recommended For You

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *