Miss World Laura Lehmann nakipagsiksikan sa MRT

NAKIPAGSIKSIKAN  si newly-crowned Miss World 2017 Laura Lehmann sa Metro Rail Transit (MRT) para makaiwas sa trapik sa EDSA noong Biyernes.

Sa kanyang Instagram account, nakangiti pa rin si Lehmann matapos mag-selfie habang nakasakay ng MRT.

“GRABEEEE KA PO, EDSA. 4 events. Friday night. MRT nalang po ako. Happy happy hearstrong nalang tayo okay?? Hi @MissWorld @MisWorldPhil.,” sabi ni Lehmann.

Kinoronahan si Lehmann noong Setyembre 3, 2017 kung saan pinalitan niya si Miss World 2016 Catriona Gray.

Nakatakdang irepresenta ni Lehmann ang Pilipinas sa Miss World 2017 pageant sa China.

 Nagsimula si Lehmann bilang isang courtside reporter sa UAAP Season 77 at 78  para sa  Ateneo Blue Eagles.

The post Miss World Laura Lehmann nakipagsiksikan sa MRT appeared first on Bandera.

Recommended For You

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *