Nadine lalong napasama dahil sa mga litrato sa social media

PANSAMANTALANG namaalam sa mundo ng Twitter si Nadine Lustre. Sobrang nasaktan ang young actress sa isang komento na kapag magkasama sila ni James Reid ay lagyan na lang ng sticker ang kanyang mukha.

Naapektuhan ng post si Nadine, nakipag-argumento siya sa nag-tweet, sa mada-ling salita ay pinagmalditahan niya ang nagbigay ng ganu’ng ideya.

Dahil du’n ay nag-deactivate ng kanyang Twitter account si Nadine. Kung kailan siya babalik ay tanging siya lang ang nakakaalam.

Pero bakit parang binibigyan ng katwiran ng kanyang mga tagahanga ang nag-tweet? Maganda raw ang intensiyon nito. Proteksiyon daw para sa kanya ang hangad ng nag-post na takpan na lang ang mukha niya kapag magkasama sila ng kanyang boyfriend.

Dapat daw ay nagpasalamat pa nga si Nadine sa malaking malasakit sa kanya ng nag-tweet. Para rin daw naman sa kanya ‘yun para hindi siya pi-nupupog sa social media.

Dapat din daw ay hindi na sila naglalabas pa ng mga pictures ni James habang naglalambingan, du’n daw nabubutasan ang young actress, lumalabas na sobrang liberated na siya ngayon.

At kung may lalabas na ganu’ng retrato, ayon sa nag-tweet, ay takpan na lang ng sticker ang mukha ni Nadine Lustre para hindi siya napapasama.

May katwiran nga naman ang katwiran.

The post Nadine lalong napasama dahil sa mga litrato sa social media appeared first on Bandera.

Recommended For You

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *