Prof kay Kris: Milyones din ang kita ni James sa basketball, ‘no!

WALA nang nagulat. I-naasahan na ng lahat na sasagutin ni Kris Aquino ang mga naging pahayag ng dati niyang mister na si James Yap kamakailan tungkol sa relasyon nila ng kanilang anak na si Bimby.

Si Kris pa? Kailangan niyang sagutin ‘yun dahil lumalabas na wala man lang siyang ka-effort-effort na ilapit ang kanyang anak sa ama nito. Siya ang lumalabas na “character actress” sa mga binitiwang salita ng basketbolista.

Hindi siya sanay na kontrabida siya, kailangang palagi siyang bida, kaya ang maigsing komento lang ni James ay sinagot ng nobela ng TV host.

Nandu’n ang pagtatanggol ni Kris sa kanyang anak na si Bimby. Wala itong kasalanan sa senaryo, sabi ni Kris, si James ang hindi gumagawa ng paraan para magkita silang mag-ama.

Pa-victim daw si James, sabi pa ni Kris, na hindi naman bagay dahil paano raw magiging biktima ang isang lalaking nagkamal nang milyones mula sa isang relasyong tumagal lang naman nang apat na taon?

Inaasahan na rin ng mas nakararami ang ganu’ng panunumbat ni Kris, hindi nawawala ang anggulong ganu’n sa kanyang pakikipag-argumento, kailangan siya ang nasa itaas at nasa ibaba ang kanyang kalaban.

Nakakaawa lang si James Yap dahil parang pinalalabas ngayon ni Kris na nakapagkamal ito nang milyones mula sa kanilang hiwalayan na parang nakaupo lang ang lalaki at naghihintay lang ng datung.

Sabi nga ni prof, “It’s money again! Usapin na naman ng pera ang i-pinangsumbat ni Kris kay James! Nakipagbalyahan sa hardcourt ‘yung tao, mil-yones din ang sinusuweldo sa pagiging basketball player, wala namang ganyanan!”

The post Prof kay Kris: Milyones din ang kita ni James sa basketball, ‘no! appeared first on Bandera.

Recommended For You

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *