Relasyon nina Sofia at Diego may problema

DIEGO LOYZAGA AT SOFIA ANDRES

ALIW na aliw kami sa reaksyon ng mga nanonood ng seryeng Pusong Ligaw dahil kanya-kanya silang komento laban sa kontrabidang si Bianca King bilang si Marga.

Gustung-gusto raw nilang sakalin si Bianca na sobrang sama na ng karakter na siyang nagpapahirap kay Beauty Gonzales na gumaganap naman bilang si Tessa.

Pinanood namin ang episode ng Pusong Ligaw nitong Huwebes at totoo nga, kasakal-sakal naman talaga si Bianca dahil ang galing-galing niyang kontrabida, subtle ang pagiging maldita niya pero apektado ang lahat ng manonood.

Lalo na nu’ng sabihin ng mga assistant niyang sina IC Mendoza at Ricci Chan na hindi siya gusto ng mga empleyado ng House of Teri (na pag-aari na nila ngayon ni Tessa) at gusto siyang paalisin na sinagot niya ng, “Well I hate them, too! At hindi ako aalis dito.”

Ilang buwan nang umeere ang Pusong Ligaw pero parang nagsisimula pa lang ang kuwento dahil sa pagpasok ni Marga sa negosyo ni Tessa.

Samantala, may nagtanong sa amin kung hiwalay na ba o hindi na close sina Sofia Andres at Diego Loyzaga dahil hindi na sila nakikitang magkasama.

Tulad nitong may nagdiwang ng kaarawan sa pamilya ni Sofia ay absent si Diego, dati raw ay palaging present ang binata sa mga okasyon ng pamilya Andres. Si Maris Racal ba ang dahilan kaya hindi na close sina Diego at Sofia? Nagtatanong lang po.

The post Relasyon nina Sofia at Diego may problema appeared first on Bandera.

Recommended For You

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *